SA pakikipagpulong ni Peruvian President Pedro Castillo sa mga agrarian head at indigenous organizations ay siniguro ng Pangulo ang suporta nito sa agrikultura ng bansa.
Sa kanyang talumpati ay sinabi ni Castillo na gagawin nito ang lahat para makapaglaan ng budget para sa sektor at magtulungan ang lahat para masiguro ang pagkain ng lahat ng mga Peruvians.
Kabilang dito ang pangangalaga sa mga anyong tubig, irigasyon, at suportang pang teknikal sa mga magsasaka.
At ang pagsasaayos ng mga daan lalo na sa malalayong lugar para sa mas mabilis na transportasyon ng mga produkto ng mga magsasaka sa merkado.