Pangulo ng SBP, itinalagang 2nd vice president ng FIBA Asia Board

Pangulo ng SBP, itinalagang 2nd vice president ng FIBA Asia Board

ITINALAGA bilang 2nd vice president sa FIBA Asia Board si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio sa isinagawang Zone Assembly sa Kuala Lumpur.

Magsisilbi si Panlilio sa naturang board ng 5 taon o mula 2023 – 2027.

Makakasama nito si Dr. K Govindraj bilang FIBA Asia President na mula sa India.

Iniluklok naman bilang chairman ang dating NBA star na si Yao Ming at bilang 1st president naman si Akram Halabi.

Ayon kay Panlilio ang pagiging bahagi nito sa FIBA Asia Board ay magbibigay-daan sa kaniya na tulungan ang basketball body na isulong ang laro ng basketball sa rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter