Pangulong Bongbong Marcos, pagyayamanin pa ang edukasyon sa bansa

Pangulong Bongbong Marcos, pagyayamanin pa ang edukasyon sa bansa

MAS lalo pang pagyayamanin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang edukasyon sa bansa.

Sa kanyang inaugural speech, binigyang-diin ng Pangulo ang malaking kapakinabangan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) kapag mahusay ang edukasyon sa Pilipinas.

Aniya, ito ay dahil malaking tulong ang nagagawa ng edukasyon para magbalik-bansa ang mga OFW at dito na maghahanap-buhay.

 “Let us give OFWs all the advantages we can for them to survive and to thrive,” ayon kay PBBM.

Isa rin aniya ang edukasyon sa mga paraan para maiwasang malinlang o maloko ng mga trafficker ang mga OFW.

“We are condemning the future of our race to menial occupations abroad. Then, they are exploited by traffickers. Once we had an education system that prepared coming generations for more and better jobs, There is hope for a comeback,” ayon sa bagong Pangulo.

Malaki ang tiwala ni Pangulong Marcos kay Vice President Inday Sara Duterte-Carpio na magsisilbing kalihim ng Department of Education (DepEd) para maiangat ang lebel ng edukasyon sa Pilipinas.

“Vice President and soon-to-be Secretary of Education Sara Duterte-Carpio will fit that mission to a tee. We won’t be caught unprepared, under-equipped, and under-staffed to fight the next pandemic,” ani PBBM.

BASAHIN: Kahandaan sa pamumuno ng bansa, inilahad ni Pangulong Bongbong Marcos

 

Follow SMNI News on Twitter