Pangulong Duterte, balak isailalim ang bansa sa MGCQ

BALAK na isailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang buong Pilipinas sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) hanggang sa makakuha na ng sapat na COVID-19 vaccine ang bansa.

Nais ng Pangulo na buksang muli ang ekonomiya ng bansa dahil marami sa mga Pilipino ang naghihirap.

“I am considering it, actually. Buksan ko na because there are two things that are really bugging us, it’s the economy and COVID-19. Our economy is really down, as in down so the earlier na mabilisan itong vaccine, the better,” pahayag ng Pangulo.

Ayon pa sa Pangulo, kapag marami nang dumating na COVID-19 vaccine ay bubuksan niya ang ekonomiya ng bansa.

“Kung nakita ko na marami nang vaccine, open ko na lahat. People have to eat, people have to work, people have to pay for their upkeep and the only way to do it is to open the economy and for businesses to regrow. Without that, patay talaga,” ayon pa sa Pangulo.

Hindi naman payag ang Pangulo sa face-to-face classes kahit sa mga low risk areas ng COVID-19 infection.

“Huwag na muna. Not now. I cannot make that decision. It will place the children in jeopardy. I am not ready to lose the lives of you young people, our children,” aniya pa.

Inaasahan naman ng Pangulo na maaaring maabot ang herd immunity sa bansa sa dalawang taon mula ngayon.

“Maybe early year 2023. Ito ngayon hanggang katapusan ng buwan paspasan tayo. Maybe in the first or second quarter or year 2023,” dagdag ng Pangulo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.