NASA Cebu Province si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong araw para sa event ng Joint National Task Force-Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ito ang inanunsyo ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar sa isang pulong-balitaan sa Malakanyang.
Ani Andanar, isa ang NTF-ELCAC sa pinaka-importanteng legasiya na nagawa ni Pangulong Duterte.
Bukod sa naturang kaganapan, pupuntahan din ng Chief Executive ang campaign rally ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Cusi wing doon pa rin sa Cebu Province.
Samantala, wala pa ring ideya ang Malakanyang kung mag-i-endorso ba si Pangulong Duterte ng presidential candidate.
Sambit pa ng Palace official, maraming nagtatanong at maraming nag-aabang dahil maituturing aniya na game-changer kapag si Pangulong Duterte ang nag-endorso.