Pangulong Duterte, handang harapin si Senator Gordon sa isang public debate

Pangulong Duterte, handang harapin si Senator Gordon sa isang public debate

MULING pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Richard Gordon sa isyu na may kinalaman sa alegasyon ng korupsiyon sa Philippine Red Cross na pinamumunuan ng senador.

Tahasang sinabi ni Pangulong Duterte na nakahanda siyang harapin si Senator Gordon sa isang public debate sakaling maghamon ang senador.

Sa kanyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi, muling tinawag ni Pangulong Duterte si Gordon na magnanakaw dahil sa umano’y korupsiyon sa Philippine Red Cross (PRC) kung saan chairman si Gordon.

Dagdag pa ng Punong-Ehekutibo, hamunin man siya ni Gordon ng debate ay handa itong humarap sabay sinabi na alam niya rin ang case number ng senador.

Ang case number ay tumutukoy sa identification number na in-assign ng clerk of court sa isang criminal case.

Matatandaang hinikayat ni Pangulong Duterte si senatorial aspirant at former Presidential Spokesperson Harry Roque na palitan sa posisyon si Gordon sa Senado.

Pang. Duterte, muling tiniyak ang mapayapa at malinis na eleksyon

Samantala, muling tiniyak ni Pangulong Duterte na magkaroon ng mapayapa at malinis o walang dayaan na eleksyon sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Una nang inilahad ng Chief Executive na hindi niya papayagan ang anumang election-related violence na mangyari sa natitirang mga buwan ng kanyang panunungkulan.

Kaugnay nito, nagbabala rin si Pangulong Duterte laban sa violent electioneering at sinabihan ang mga pulitiko na huwag gumamit ng karahasan para pwersahin ang mga tao na iboto ito.

Nangako rin ang Punong-Ehekutibo na protektahan ang pagiging sagrado ng boto ng bawat indibidwal.

BASAHIN: PRRD, nagbabala na kakampanya laban kay Gordon: ‘unfit public service’

Follow SMNI News on Twitter