Pangulong Duterte, hindi dadalo sa US-ASEAN Summit sa Mayo

Pangulong Duterte, hindi dadalo sa US-ASEAN Summit sa Mayo

HINDI dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa United States-ASEAN Summit sa Washington DC na gagawin matapos ang May 9 election sa Pilipinas.

Sa kanyang Talk to the People na ipinalabas ngayong umaga, sinabi ni Duterte na hindi maganda para sa kanya na dumalo sa May 11 hanggang 13 Summit dahil malalaman na sa mga araw na ito ang kanyang kahalili.

Nagpahayag din ang Pangulo ng pagkabahala sa kanyang kaligtasan kung siya ay bibiyahe sa US para sa Summit.

Sa halip, sinabi ni Pangulong Duterte na inatasan niya si Executive Secretary Salvador Medialdea at Defense Secretary Delfin Lorenzana na magtungo sa US para pag-usapan ang maraming bagay kabilang ang Summit at ilang kumpidensyal na usapin.

Follow SMNI NEWS in Twitter