Pangulong Duterte, hindi ‘lame duck’ president kahit patapos na ang termino —Sen. Go

Pangulong Duterte, hindi ‘lame duck’ president kahit patapos na ang termino —Sen. Go

NANINIWALA si Sen. Bong Go na hindi tamang ituring na ‘lame duck’ president si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ito ang buwelta ng senador sa pahayag ng oposisyon na magiging ‘lame duck’ na ang Pangulo sa kanyang huling dalawang taon sa termino.

 

Ipinunto ni Sen. Go na hangga’t naniniwala ang mga Pilipino kay Pangulong Duterte, mananatili itong epektibo bilang Presidente ng bansa.

 

Paliwanag pa ni Go, kung hindi si Pangulong Duterte ang kasalukuyang namumuno sa bansa, malamang ay pahirapan para pamahalaan na disiplinahin ang publiko lalo na ngayong umiiral ang COVID pandemic.

 

“Araw-araw sumasakit ang ulo ng Pangulo dahil sa COVID-19 ngunit hindi nito tinatalikuran ang responsibilidad at patuloy na naglilingkod sa bayan,” ayon pa kay Go.

 

Dagdag ni Go, nais ng Pangulo na lumabas at silipin ang sitwasyon ng kanyang mga kababayan ngunit pinagbabawalan lamang ng kanyang security dahil na rin sa banta ng covid-19, lalo nat 75 years old na ang presidente.

 

Ayon kay Go, hindi man perpekto ang Pangulo, ginagawa nito ang kanyang makakaya para sa kapakanan ng mga Pilipino.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.