Pangulong Duterte, hinihikayat ang mga nurse ng NPA na tumulong sa laban ng bansa kontra COVID-19

Pangulong Duterte, hinihikayat ang mga nurse ng NPA na tumulong sa laban ng bansa kontra COVID-19

HINIHIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nurse ng New People’s Army (NPA) na tumulong sa pamahalaan bilang medical manpower.

Ayon sa Pangulo, magbigay lang aniya ng abiso sakaling bababa sila para tumulong.

Tiniyak na rin ng Pangulo na babayaran ng pamahalaan ang naging tulong ng mga ito.

Sakali ring ninanais nitong bumalik sa kanilang unit, papayagan silang bumalik ayon kay Pangulong Duterte.

Kahapon ng umabot sa mahigit labing pitong libo ang naitalang bagong kaso ng COVID-19.

SMNI NEWS