Pangulong Duterte, iginiit na tama ang kanyang desisyon na magretiro sa pulitika

Pangulong Duterte, iginiit na tama ang kanyang desisyon na magretiro sa pulitika

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginawa niya ang tamang desisyon na magretiro sa pulitika.

Ang pasya ng punong ehekutibo ay kasunod ng pagbaba ng 17 percentage points sa satisfaction rating nito.

Base sa pinakahuling resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, bahagyang bumaba sa +62 percent ang net rating ng Pangulo nitong June 2021, mula sa +79 percent net rating noong November 2020 survey.

Gayunman, kung ikumpara sa mga nagdaang presidente ng Pilipinas lalo na sa bandang huling termino ng mga ito, maituturing ‘very good’ o nananatiling mataas pa rin ang nakuhang satisfaction rating ni Pangulong Duterte.

Sa talk to the people address ni Pangulong Duterte kagabi, sinabi nito na bagamat maganda pa rin ang naging resulta sa survey, may panahon aniya para sa lahat, sabay binigyang-diin na ito na ang tamang panahon na siya ay magretiro.

‘’It’s still good but i think it’s time. There’s always a time for everything. Even if you get a 64 rating, may panahon-panahon ang buhay. So sa palagay ko, tama ‘yung ginawa ko,’’ayon kay Pangulong Duterte.

Muling binanggit ng punong ehekutibo na ang desisyon niyang magretiro sa pulitika ay bilang paggalang sa aniya’y “will of the people” kasunod ng SWS survey na nagsasabing 60 percent sa 1,200 adult filipinos ang naniniwalang ang pagtakbo nito sa vice-presidential race ay labag sa konstitusyon.

“Last Saturday, respecting the will of the people who after all placed me in the presidency several years ago, i announced my retirement from politics after my term as president. I withdrew all my vice presidential bid for next year’s election after giving serious thought on the sentiment of the filipino people expressed by different surveys, forums, caucuses, and meetings,”dagdag nito.

Gayunman, inihayag ni Pangulong Duterte na panahon na rin para bigyan naman ng pagkakataon ang bagong ‘set of leaders’ na inaasahang maipagpapatuloy ang reporma maging ang mga proyekto at programang sinimulan ng administrasyong Duterte.

Kasama na rin ang kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga, kriminalidad, korupsyon, terorismo, at insurhensiya.

“It is time to give way to a new set of leaders who hopefully continue the reforms, projects, and programs that this administration has pursued for the past few years. It is my hope that the new set of leaders who will pursue a platform of government that will build on our gains in the areas of fighting illegal drugs, criminality, corruption, terrorism, and insurgency,” ayon sa Pangulo.

Pati na rin aniya ang mga proyektong pang-imprastraktura.

‘’I likewise hope that they will continue what we have begun in the terms of infrastructure development and the many other initiatives we have undertaken during my term,’’dagdag nito.

Kaugnay nito, naniniwala si Pangulong Duterte na si Senator Bong Go ang maituturing na ‘best person’ na siyang makapagpapatuloy ng nasimulang legasiya ng kasalukuyang gobyerno partikular sa larangan ng social services para sa publiko.

‘’With my withdrawal of my nomination, Senator Bong Go has now taken the challenge to become the vice presidential candidate of the PDP-Laban. I strongly and fully believe that Senator Bong Go is the best person to help the next president continue my legacy and build on the gains that we have achieved, especially in terms of providing basic services to healthcare, education, and other social services for the people,’’ayon kay Pangulong Duterte.

Samantala, nauna nang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala siyang paliwanag na maibibigay pa sa mga nagdududa sa pahayag na ito ng pangulo, kaya’t mainam na hinatayin na lamang niya ang huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy sa October 8 o kaya’y ang deadline para sa substitusyon ng kandidato sa November 15.

SMNI NEWS