Pangulong Duterte, inaprubahan na ang compensation para sa 2017 Marawi siege victims

Pangulong Duterte, inaprubahan na ang compensation para sa 2017 Marawi siege victims

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na nagbibigay compensation sa mga biktima ng 2017 Marawi siege.

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na pinirmahan na ng Pangulo ang Republic Act No. 11696 o Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022.

Ayon kay Andanar, ang batas ay nagbibigay ng compensation sa mga biktima dahil sa pagkawala, pagkasira at pagkawala ng buhay bunsod ng ilang buwang pagkubkob na ginawa ng mga miyembro ng Maute Terrorist Group (MTG).

Sa pamamagitan nito, sinumang may-ari ng residential, cultural, commercial structures, at iba pang ari-arian sa Marawi’s most affected areas (MAA) o other affected areas (OAA) na nakatugon sa mga requirements ay may karapatang makatanggap ng tax-free compensation mula sa gobyerno.

Sinabi ni Andanar na isang independent quasi-judicial body na tatawaging “Marawi Compensation Board” na binubuo ng appointed officials ng Pangulo ang bubuoin para pamunuan ang compensation process.

Follow SMNI NEWS in Twitter