Pangulong Duterte, inulan ng mga pagbati sa kanyang kaarawan mula sa mga supporter at kritiko

Pangulong Duterte, inulan ng mga pagbati sa kanyang kaarawan mula sa mga supporter at kritiko

INULAN ng mga pagbati si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ika-77 na kaarawan nito mula sa kanyang mga taga-suporta at kritiko.

Isa sa nagpadala ng kanyang video greeting ay si Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpasalamat sa Pangulo sa pagtitiwala nito sa kanya.

Nagpaabot din ng pagbati si House Speaker Lord Allan Velasco at nagpapasalamat kay Pangulong Duterte sa pagiging tapat na kaibigan at kaagapay nito.

Hindi rin nagpahuli sa pagbati si Mothers For Change partylist first nominee Mocha Uson at presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson.

Nanakot naman si Communist Party of the Philippines chief information officer Marco Valbuena kay Pangulong Duterte at sinabing i-enjoy ang kaarawan nito bago ito ikulong dahil sa paglabag sa karapatang pantao.

Follow SMNI NEWS in Twitter