KASAMA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa senatorial candidates na planong i-adopt ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).
Ibinahagi ni House Majority Leader at Lakas-CMD President Martin Romualdez na isa rin naman ang kanilang partido sa tumulong para mailuklok sa pagka-presidente si Pangulong Duterte noong 2016.
Aniya, lahat umanong congressmen na miyembro o may connection sa Lakas-CMD ay nasa likod ng Supermajority Coalition noon sa House of Representatives para kay Pangulong Duterte.
Sa ngayon ay isinasapinal pa ng partido kung sino-sino ang kukumpleto sa kanilang line-up para sa 12-senatorial candidates sa 2022 elections.