Pangulong Duterte, magpapatawag ng special meeting ngayong araw para talakayin ang Ukraine-Russia conflict

Pangulong Duterte, magpapatawag ng special meeting ngayong araw para talakayin ang Ukraine-Russia conflict

MAGPAPATAWAG si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng special meeting ngayong araw para talakayin ang krisis sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Sa part 2 ng Talk to the People ng Pangulo na inere ngayong umaga, sinabi nito na kasama sa pulong ang mga pulis, militar at negosyante.

Itinalaga naman ng Pangulo si Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na tanging tagapagsalita para talakayin ang nangyari sa nasabing pulong.

Follow SMNI NEWS on Twitter