PRRD nagbigay ng 3 katangian na dapat taglay ng susunod na presidente ng bansa

PRRD nagbigay ng 3 katangian na dapat taglay ng susunod na presidente ng bansa

NAGBIGAY si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng tatlong katangiang dapat taglay ng kaniyang magiging successor sa programang SMNI Exclusive kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Una ayon kay Pangulong Duterte, ang susunod na presidente ay dapat compassionate o may pagmamahal sa kapwa nito gaya ng payo ng kaniyang ama na naging dating gobernador ng Davao.

Bukod sa pagiging compassionate ang susunod na pangulo ay dapat decisive.

Maliban dito, ang susunod na chief executive ay dapat marunong aniyang mangilatis ng karakter ng isang tao.

Sa ngayon ay mayroong sampung kandidato na tumatakbo sa pagkapangulo.

Mapayapang halalan hindi magagarantiya ni Pang. Duterte

Hindi isandaang porsyentong magiging mapayapa ang darating na halalan.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong  Duterte sa SMNI Exclusive na mayroon pa ring ilang politiko ang gagawa ng karahasan para lamang manalo.

Gayunman muling tiniyak ng pangulo na hindi nito papayagang magkaroon ng karahasan sa nalalapit na eleksyon.

Samantala, sa usapin naman ng umanoy pag-iimprinta ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga balota na walang testigo, sinabi ni Pangulong Duterte na kukumpirmahin nito ang pangyayari.

Matatandaan na sinabi ni Sen. Imee Marcos na 66.9% sa mga balota na naimprinta ng COMELEC ay walang witness.

Naniniwala naman si Pangulong Duterte na sa ilalim ng pamamalakad ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan ay maiayos nito ang mga isyu na kinasasangkutan ng komisyon.

Gaya na lang aniya ng kontrobersiyal na COMELEC-Rappler agreement para sa halalan.

Follow SMNI News on Twitter