Pangulong Duterte, nagpasalamat sa tapang ng mga frontliners

NAGPAABOT ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga health workers at mga frontliners na siyang pangunahing humaharap laban sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa ginawang pulong balitaan ng pangulo, inihayag nito ang pagsaludo sa mga health workers na nagbuwis buhay para labanan ang virus.

Pinasalamatan rin ni Duterte ang kongreso sa pagbibigay ng special authority sa punong ehekutibo upang maging mabilis at madaling makapagdisisyon para sa nararanasang krisis sa ngayon.

Naghayag din ang pangulo ng pasasalamat sa pangunguna ng Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Disease (IATF-EID) at sa mga private sector na tumutulong.

Nangako rin si Duterte na hindi magpapabaya ang gobyerno na protektahan at mabigyan ng food assistance ang lahat ng mga Pilipino.

Sa huli, siniguro ng pangulo sa mga Pilipino na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga mamamayan sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19 kasabay ang kaniyang apela para sa kooperasyon ng lahat.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.