Pangulong Duterte, nilagdaan na ang Vaccination Program Act of 2021

GANAP ng naisabatas ang Vaccination Program Act of 2021 matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ay ayon mismo kay Senator Christopher Bong Go.

Kabilang sa nasabing batas ang paglalaan ng gobyerno ng indemnity fund para sa mga mababakunahan na makararanas ng adverse side effects.

Matatandaang, inihayag noon ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na isa ang kawalan indemnity law sa bansa ang dahilan nang pagkaka-antala ng Pfizer COVID-19 mula sa COVAX facility.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.