PRRD, pinangunahan ang turnover ceremony ng NHA housing units sa Davao City

PRRD, pinangunahan ang turnover ceremony ng NHA housing units sa Davao City

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng daan-daang housing units sa Davao City kaninang hapon.

Ang Madayaw Residences ang pinakaunang low-rise residences sa labas ng Metro Manila at isa ito sa mga ‘Proyektong Pabahay’ ni Pangulong Duterte para sa mga government employees, OFW, at uniformed personnel sa ilalim ng Government Employees Program ng NHA.

Ang nasabing housing ay itinurn-over kanina sa mga kwalipikadong aplikante o beneficiaries mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Corrections (BuCor), Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy, Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga regular na empleyado mula sa lokal at nasyunal na mga ahensya at opisina ng pamahalaan.

“Low cost housing Program is our way of giving back to the countrys unifromed personnel and civil servants–ibig kung sabihin bumabawi na ang gobyerno sa inyo… and these are the things that I would like to continue sana, but hindi ko na panahon,” ayon sa Pangulo.

Samantala, masaya naman si Corporal Mariz Alonzo sa programang pabahay ni Pangulong Duterte dahil malaki ang tulong nito sa kanya, lalo pa at 10 taon na itong nangungupahan ng bahay sa Davao City.

“Masayang-masaya ako na isa ako sa beneficiaires sa dinami-dami ng nag apply,…. this is my first time to have my own house, ngayong first time ko maka own ng sarili kong condo unit,” wika ni Alonzo.

Malaki naman ang pasasalamat ni Kevin Nomus, isang Trade and Industry specialist mula sa Department of Trade and Industry RXI, dahil malaking tulong aniya sa isang government employee ang pabahay ng gobyerno.

“Malaking tulong as gov’t employee, malaking tulong kasi affordable lang, given na maraming loans, finally may matatawag na sariling bahay,” ayon naman kay Nomus.

May 2 model naman ang Madayaw residences — ang Model A na may 42 square meters na floor area, at ang Model B na may floor area na 36 square meters.

Nasa 6 na Government Employees Housing Program ang kasalukuyang iniimplementa sa Region XI at ang 3 ay nasa Davao City.

Follow SMNI News on Twitter