POSIBLENG magpapatupad ng deployment ban si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia.
Kasunod ito sa mga insidente ng sexual abuse na kinasasangkutan ng mga Pinay na nagtatrabaho sa naturang bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, dalawang Pinay na OFW ang kamakailan lamang ay inabuso ng kanilang mga employer.
Nakilala ang mga ito na sina Rose at Michelle na pawang ginahasa ng kanilang amo at sinaktan.
dahil sa pangyayari inutos ni Secretary Bello sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na magpatupad ng pansamantalang deployment suspension sa naturang bansa.
Sa ngayon ayon kay Bello nakauwi na sa Pilipinas ang mga inabusong Pinay.