Pangulong Duterte, sang-ayon sa pagsuspinde ng e-sabong licenses

Pangulong Duterte, sang-ayon sa pagsuspinde ng e-sabong licenses

PUMAYAG na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte  na suspindehin ang lisensya ng e-sabong operators dahil sa pagkawala ng tatlumpu’t isang mga sabungero.

Ito ang inanunsyo ni Vice Presidential candidate Senate President Tito Sotto III.

Ayon kay Sotto, ipinaalam ito ng Pangulo kay Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Noong nakaraang linggo nang simulan ng Senate Committee on Public Order ni Dela Rosa ang pagdinig sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Isang malaking hamon para sa susunod na pangulo ang magiging katayuan nito sa foreign policy

Ipinunto ni political analyst Prof. Anna Malindog-Uy na isang malaking hamon para sa susunod na pangulo ang magiging katayuan nito sa foreign policy lalo na sa gitna ng tensiyon na nangyayari sa paligid ng bansa.

Maganda kasi ang naging istilo ni Pangulong  Duterte hinggil sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.

Ito ang inihayag ng political analyst sa panayam ng SMNI News.

Aniya, isinagawa ni Pangulong  Duterte ang konsepto ng geopolitics kung saan, una nitong inaayos ang pakikipag-ugnayan sa karatig na mga bansa.

Samantala, kung sa panahon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay napaka-dependent ng bansa sa Estados Unidos, kumalas naman si Pangulong Duterte sa ilalim ng kanyang termino mula sa naturang konsepto.

Isinusulong pa ni Pangulong Duterte ang independent foreign policy kung saan, kahit nakikipag-ugnayan pa ang Pilipinas sa ibang bansa, pawang issue-based at interest-based lang ang pinag-uusapan.

Hindi rin aniya matutulad ang Pilipinas sa bansang Ukraine dahil matalino sa foreign policy si Pangulong Duterte.

 

Follow SMNI News on Twitter