BINISITA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang tropa ng 6th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Siongco, Sinsuat, Maguindanao nitong Huwebes, Setyembre 15.
Sa kanyang pagbisita, nagbigay ng mensahe ang Commander-in-Chief sa government troops patungkol sa peace and development efforts ng pamahalaan.
Nagbigay din ng updates si PBBM kaugnay ng dinaluhang inagurasyon ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) 2022-2025.
Kaugnay nito, nanawagan si Pangulong Marcos sa suporta ng tropa ng pamahalaan tungo sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao (BARMM).