HINDI makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kaso ng dating Senador Leila de Lima.
Ito ang iginiit ni Office of the Press Secretary-OIC Undersecretary Cheloy Garafil.
Aniya, hindi mag-i-intervene si Pangulong Marcos sa anumang kaso na nasa korte na.
Dagdag pa ng OPS-OIC, ang mga kaso ni De Lima ay nasa korte na, kaya maiging hayaan na lang ang mga abogado ng dating senador ang gumawa ng ‘proper motion.’
Binigyang-diin din ni Garafil na ipauubaya na rin ng Palasyo sa korte ang pagde-desisyon kung palayain o hindi si De Lima, base aniya sa ebidensya o merits ng kaso nito.
Ang pahayag ay nag-ugat sa mga naging panawagan ng ilang personalidad at mambabatas na palayain na ang dating senadora.
Matatandaang nakulong si De Lima dahil sa isyu ng illegal drug trade sa Bilibid.