Pangulong Marcos, lilipad na patungong Thailand para sa APEC Summit

Pangulong Marcos, lilipad na patungong Thailand para sa APEC Summit

TUTULAK si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Bangkok, Thailand ngayong araw para lahukan ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Gaganapin ang naturang summit kasama ang world leaders mula November 16-19, 2022.

Sa kanyang meeting kasama ang mga lider ng iba’t ibang mga bansa, ay tututukan ng Chief Executive ang usapin hinggil sa food security, energy security, at climate change mitigation.

Lalahukan din ng Philippine delegation ang iba’t ibang diyalogo at bilateral talks kasama ang iba pang heads of state sa sidelines ng APEC Economic Leaders’ Meeting.

Ang APEC Summit ngayong taon ang unang in-person meeting simula nang tumama ang COVID-19 pandemic noong 2020.

Follow SMNI NEWS in Twitter