Pangulong Marcos, nakipagpulong sa Philippine Space Agency ngayong araw

Pangulong Marcos, nakipagpulong sa Philippine Space Agency ngayong araw

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Philippine Space Agency (PhilSA) sa Malacañang nitong hapon ng Martes, Oktubre 18.

Napag-usapan sa pulong ang mga prayoridad ng Pilipinas sa space science.

Kasama rin sa natalakay ang patungkol sa aplikasyon ng mga teknolohiya para sa seguridad at kaunlaran ng bansa.

Ang PhilSA ay nalikha sa ilalim ng Philippine Space Act of 2019 kung saan mandato ng ahensya ang magplano at bumuo ng National Space Program upang mapanatili ang isang matatag na ‘Philippine space ecosystem.’

Follow SMNI NEWS in Twitter