Pangulong Marcos, pinangunahan ang pagdiriwang ng National Science and Technology Week

Pangulong Marcos, pinangunahan ang pagdiriwang ng National Science and Technology Week

DINALUHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang selebrasyon ng 2022 National Science and Technology Week.

Ginanap ang naturang event sa World Trade Center sa lungsod ng Pasay, umaga ng Miyerkules.

Sa programa ng naturang okasyon, parte rito ang paggawad ng Outstanding Research and Development Award for Basic Research at For Applied Research, at ng Outstanding Science Administrator Award sa ilang kawani ng Department of Science and Technology (DOST).

Pinangunahan din ni DOST Secretary Renato Solidum, Jr. ang awarding of medal, na sinaksihan ni Pangulong Marcos.

Ang pagdiriwang ay may temang ‘Agham at Teknolohiya: Kabalikat sa Maunlad at Matatag na Kinabukasan’.

Follow SMNI NEWS in Twitter