PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio sa Taguig City ngayong araw, Agosto 29.
Sa naturang event, nag-alay ng mga bulaklak si Pangulong Marcos kasama si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro.
Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa katapangan at sakripisyo ng mga bayaning Pilipino na nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan, sa hustisya at kalayaan.
Ang tema ng paggunita ng Araw ng mga Bayani ngayong taon ay ‘Kabayanihan Tungo sa Pagkakaisa at Pag-unlad.’
Aniya, hindi lang ito paalala sa karangalan ng bansa ngunit ito ay naghihikayat din sa pakikiisa para sa national building na mapapakinabangan ng lahat.
Saad pa ni Pangulong Marcos, puedeng maging bayani ang isang ordinaryong Pilipino base sa kanyang sariling kapasidad.