Pangulong Marcos, pinasalamatan ang Hari ng Malaysia

Pangulong Marcos, pinasalamatan ang Hari ng Malaysia

NAGPAABOT ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kay King Al-Sultan Abdullah ng Malaysia sa naging mainit na pagtanggap nito.

Sa naging pag-uusap nila sa Hari ng Malaysia ay natalakay nito ang mga hakbang sa pagpapalalim ng relasyon ng dalawang bansa.

“First and foremost, I would like to express my appreciation for their majesties the King and Queen of Malaysia for their very gracious invitation for me to undertake this state visit to Malaysia.”

“During our audience with their majesties this morning, we spoke of longstanding relations and strong economic linkages between the Philippines and Malaysia, as well as the commonalities between our peoples which make our friendship easy,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Una nang nagbigay ng state welcome at banquet ang Hari at Reyna ng Malaysia kay Pangulong Marcos at sa delegasyon ng Pilipinas.

Malaysian Pm Anwar Ibrahim, nag-host ng dinner para kay Pangulong Marcos

Samantala, isang dinner naman ang inihanda ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim para kay Pangulong Marcos at First Lady Liza na ginanap sa Malaysian Petronas Twin Tower.

School of Hard Knocks ng Royal Selangor binisita ni First Lady Marcos kasama si Queen Azizah ng Malaysia

Nagkaroon naman ng pagkakataon na mabisita ni First Lady Liza ang Royal Selangor kung saan kasama nito si Malaysian Queen Azizah at ni Royal Selangor Chairman Tan Sri Yong Poh Kon.

Napuntahan ng First Lady at Queen Azizah ang Museum at Pewter Factory at nabigyan ng pagkakataon upang maranasan ang pag-ukit ng Pewter Bowls sa School of Hard Knocks ng Royal Selangor.

Ang Royal Selangor ay kilalang manufacturer at retailer ng Malaysian Pewter.

Ngayong umaga nakatakdang makipagpulong si Pangulong Marcos sa ilan sa malalaking negosyo sa Malaysia gaya ng Farm Fresh Milk, isang dairy company na nakabse sa Malaysia, Capital A Berhad na susundan ng round table business meeting kasama ang mga Malaysian business leader at ng Philippines Business Forum.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter