SUSUPORTAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala na gagawa ng Bulacan Airport City Special Economic Zone at freeport oras na maayos ang depekto ng panukala sa Kongreso.
Ito ang inihayag ni Communications Secretary Trixie Cruz-Angeles matapos sabihin ni Senator Imee Marcos na nadismaya ito sa pag-veto ni Pangulong Marcos.
Sinabi rin ni Sen. Imee na nababahala ito sa posibleng chilling effect nito sa local at foreign investors.
Sinabi naman ni Angeles na naiintindihan nila ang pagka-dismaya ng ilang mga mambabatas ngunit mas mainam pa rin na maayos ito kaysa sa harapin ang maidudulot nitong suliranin kung maipasa ito nang hindi maayos.