Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping, magpupulong sa Abril 8

Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping, magpupulong sa Abril 8

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naka-iskedyul siyang makipagpulong kay Chinese President Xi Jinping sa Abril 8.

Sinabi ito ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa Lapu-Lapu City at ibinahaging nais aniya siyang kausapin ni President Xi Jinping na isa sa kaibigan niyang lider ng bansa.

Wala namang nabanggit ang Chief Executive kung ang naturang pulong ay gagawin via phone conversation o kaya’y face-to-face meeting.

Hindi rin nagbigay ng detalye ang Pangulo kung ano ang paksa ng kanilang magiging pag-uusap.

Kasabay ng anunsyong pulong sa Chinese President, nabanggit din ni Pangulong Duterte ang patungkol sa tensyon na nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Muli namang nanindigan si Pangulong Duterte na mananatiling neutral ang Pilipinas sa usapin hinggil sa girian ng dalawang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter