Pangulong Rodrigo Duterte bumisita kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa Davao

Pangulong Rodrigo Duterte bumisita kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa Davao

MULING bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa matalik nitong kaibigan at spiritual adviser na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ (KJC) Headquarters sa Davao City, kagabi ng Martes, Agosto 17.

Ang nasabing pagbisita ay para sa isang pribadong hapunan kung saan napag-usapan ng dalawang pinuno ang ilan sa mga mahahalagang isyu sa bansa.

Panandalian munang nag-break sa busy na schedule nito si Pangulong Duterte.

Kasama ni Pangulong Duterte na bumisita si Senator Christopher Bong Go, na kaibigan rin ng butihing Pastor.

Samantala, sa sandaling panahon ay nagkakamustahan ang dalawang lider habang pinagsasaluhan ang simpleng hapunan, na monggo at tuyo, na pawang paborito nilang kainin.

Sa kabila ng parehong busy nilang iskedyul, sa magkaiba nilang larangan- ang Pangulo, na kasalukuyang hinaharap ang samot-saring isyu ng bansa, lalong-lalo na ang pandemya, at ang butihing Pastor naman ang kanyang lumalagong kongregasyon at dumaraming tagapagsubaybay.

Samantala, bago pa man magpaalam, ay isang taos pusong dalangin naman ang pabaon ni Pastor Apollo kay Pangulong Duterte, upang matulungan ito ng Maykapal sa pagpapatakbo ng bansa, sa natitira nitong panahon bilang Pangulo, lalong-lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.

‘’An appointment with the president my very good friend. So, anytime he wants to come and relax. So, we had a dinner tonight we’ve talk about many things at the same time this is a relaxation period for the President. You see how haggard and how tired he is. This is a working President that really take care of the affairs of the nation and we are so blessed to have him. He knows an every bit of the affairs of the nation from national security in the national affairs and to the local governance. So, we all set for the prosperity of this nation and it was a good time for him to relax and talk really. So, it was a good visit by my friend the President and at the last I prayed for him. I received a revelation from the Almighty Father that I would have to prayed for him to impart the blessings,” pahayag ni Pastor Apollo.

‘’Whatever trials may come your way, the Almighty Father will be with you, He will never leave you, whatever happens,” ayon sa dalangin ng butihing Pastor.

“God is happy with our President. So, I’m imparted all the blessings to him to his health, to his family and for his future plan and future missions in life. His looking good and his looking healthy and we ask of God for that,’’ ayon kay Pastor Apollo.

Kitang-kita sa mukha ni Pangulong Duterte na masaya itong nakitang muli si Pastor Apollo na kilala rin bilang spiritual adviser nito.

SMNI NEWS