BIBISITA sa France at Vietnam si Pangulong Yoon Suk-yeol mula Hunyo 19-24 para dumalo sa gaganaping general assembly ng Bureau International des Expositions (BIE) sa Paris at upang mag-rally ng international support para sa 2030 Busan World Expo Bid at magdaos ng bilateral summit kasama si Pangulong Vo Van Thuong ng Vietnam.
Gaganapin ang BIE General Assembly sa Paris sa Hunyo 20-21, 2023 kung saan ang ikaapat na pagtatanghal ay magaganap sa unang araw.
Ang unang magtatanghal ay ang Riyadh, Saudi Arabia na susundan ng Busan tapos ang Rome.
Ayon kay Kim Tae-hyo, unang deputy director ng National Security Office ng Korea, dadalo si Pangulong Yoon sa unang pagtatanghal at magsasagawa ng bilateral summit kasama si French President Emmanuel Macron sa Elysee Palace sa parehong araw.
Matapos ang kaniyang pagbisita sa France, magsisimula sa isang state visit sa Vietnam si Yoon at sa Hunyo 23 naman magaganap ang isang Korea-Vietnam Summit kung saan tatalakayin nina Pangulong Yoon at Pangulong Vo Van Thuong ang mga paraan upang palawakin at paunlarin ang bilateral relation ng dalawang bansa.
Inaasahang makakasama ni Yoon sa pagbisita sa ibang bansa sina Samsung Electronics chairman Lee Jae-Yong, SK Group chairman Chey Tae-Won, Hyundai Motor Group chief Chung Euisun, at si LG Group leader Koo Wang-Mo.