Pangunahing agricultural resource hub sa rehiyon ni PBBM suportado ni Cam Sur Rep. Lray Villafuerte

Pangunahing agricultural resource hub sa rehiyon ni PBBM suportado ni Cam Sur Rep. Lray Villafuerte

SUPORTADO si Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte sa aniya’y “impressive plan” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawin ang Pilipinas bilang pangunahing agricultural resource hub.

Sa pahayag ni Pangulong Marcos sa katatapos lamang na Agrilink/Foodlink Aqualink 2022 na hindi lamang dapat humabol ang Pilipinas sa mga karatig bansa nito kundi dapat manguna sa produksyon ng produktong agrikultural.

Kaya naman pagsasang-ayon ng kongresista, bukod aniya sa pagpapaganda ng agricultural value chain at paglikha ng maraming agribusiness market opportunity, maaari ding gayahin ng Marcos administration ang Food Terminal Inc. (FTI) na inilunsad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Inihalimbawa ni Villafuerte ang pagtatayo ng FTI sa Bicol Region kung saan ang pangunahing produkto dito ay niyog.

Ngunit sa halip na paggawa lamang ng coconut oil, ang itatayong FTI ay maaaring lagyan ng pagawaan ng organic coconut milk, sparkling coconut water, skimmed coconut milk, dried coconut milk powder, toasted coconut flakes, desiccated o shredded coconut, coconut chips, at coconut fruit spread.

Umaasa naman ang mambabatas na sa pamamagitan ng mga Regional FTI Food Terminal Inc. ay mapagtutuunan ng pansin ang mga ipinagmamalaking produkto ng kada rehiyon sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter