Panibagong bagyo, nakapasok na sa bansa; Bagyo, pinangalanang “Marce”

Panibagong bagyo, nakapasok na sa bansa; Bagyo, pinangalanang “Marce”

NAKAPASOK na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang alas dos ng madaling araw ang Bagyong Marce.

Sa 5 AM bulletin rin ng state weather bureau, namataan ito 935 kilometers silangan ng Eastern Visayas.

Taglay nito ang hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso naman na aabot sa 80 kilometro kada oras.

Kumikilos naman ito pa-kanluran hilagang kanluran o west northwestward sa bilis na 25 kilometro kada oras.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter