PASADO 7:00 ng umaga nang lumapag ang chartered flight ng Cebu Pacific Flight 5J671 sa Bay 49 sa Ninoy Aquino International Airport kung saan lulan ang nasa 1 milyong dosis ng Coronavac vaccines ng Sinovac Biotech galing China.
Kabilang sa mga opisyal ang nagwelcome sa naturang bakuna ay sina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr.
Ayon kay Secretary Galvez ang bakunang dumating ngayong araw ay ilalaan para sa mga rehiyon na may mataas na kaso ng COVID-19.
Sa bilang na ito simula Pebrero ay umabot na sa kabuang 10,329,050 ang mga bakuna kontra COVID-19 ang dumating na sa Pilipinas.
Kabilang na dito ang:
Sinovac vaccines -7.5 M doses
AstraZeneca-2.556M doses
Sputnik V-80,000 doses
Pfizer-193,050 doses
Una na ring sinabi ni Galvez na inaasahang bulto-bulto na ng mga bakuna ang darating na sa bansa sa mga susunod na araw.
Tinatayang nasa 30-40 milyong dosis ng bakuna ay darating mula buwan ng Hunyo hanggang Agosto 2021.
Ngayong buwan ng Hunyo makakatanggap ang bansa ng bakuna na nasa 10 hanggang 11 milyong dosis pero ayon nga kay Galvez nasa buwan ng Agosto ang pinakamalaking bulto ng bakuna na aabot sa 17 milyon dosis.
Samantala alas 9PM mamayang gabi naman ang pagdating ng nasa 1.9 milyong dosis ng Pfizer galing COVAX Facility.
Naunang dumating ang nasa 111K ng Pfizer sa Davao kaninang umaga at 300K naman para sa Cebu.
(BASAHIN: Sinovac, Pfizer, top vaccine brand na gusto ng mga Pilipino)