DUMATING na sa bansa, ang panibagong batch ng 3-M doses Sinovac vaccines na binili ng Pilipinas.
Nasa kabuuang 69,699,340 doses ng bakuna kontra COVID-19 ang tinanggap na ng Pilipinas simula February 2021.
Ito’y kasunod ng pagdating ng 3-M doses ng Sinovac vaccines sa bansa kahapon ng hapon.
Ang mga naturang bakuna ay sakay ng Philippine Airlines na lumapag sa Terminal-2 ng Ninoy Aquino International Airport.
Ayon naman kay NTF against COVID-19 Chief Implementer and vaccine Czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. prayoridad sa bagong shipment ng bakuna ay idedeploy sa Region 4-A, Region 3, Region 6, Region 7, Region 11, Region 2, Region 1, at Region 9.
Ang mga bakuna na idedeploy sa Metro Manila ay gagamitin bilang 2nd dose.
Ikinatuwa naman ni Galvez ang ulat mula sa Malaysia na epektibo laban sa malubhang sakit at kamatayan ang mga Sinovac vaccines.
“We would like to encourage everybody na kung ano ‘yung dumating na vaccine very effective naman lahat at it prevents from any severe at hospitalization and death,”ayon kay Galvez.
Samantala of as of September 26, nakapagturok na ang Pilipinas ng 43,815,426 doses, kung saan 23,609,600 Filipinos ang tumanggap na ng first dose, habang 20,205,806 individuals sa bansa na ngayon ay fully vaccinated na.
“Hopefully before the end of the month maka-reach tayo ng 30% of our targeted population,”dagdag nito.