Panibagong batch ng distressed OFWs mula UAE, balik bansa na

Panibagong batch ng distressed OFWs mula UAE, balik bansa na

UMABOT na sa kabuuang 15 chartered flight ang isinagawa ng Department of foreign Affairs (DFA) para sa mga distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula United Arab Emirates (UAE) simula Hunyo 2021 .

Ito’y kasunod ng pagdating ng 360 distressed OFWs mula UAE.

Ang mga naturang OFW ay sakay ng Philippine Airlines flight PR 8659 na inasistehan ng DFA ground personnel at ng iba pang miyembro ng One-Stop Shop sa Ninoy Aquino International Airport.

Pinagsamang puwersa ng OUMWA’s special repatriation unit, Middle East desk, airport assistance group,  Philippine Embassy in Abu Dhabi at ng Philippine Consulate General sa Dubai  para sa matagumpay na tatlong chartered flight ang  ginawa sa loob nitong  buwan ng Setyembre .

Ayon sa DFA, simula nagsagawa ng Wuhan flight ang naturang kagawaran noong February 2020 dahil sa COVID-19 pandemic, umabot na sa 105 chartered flights ang ginawa ng DFA na ginastos mula sa pondo ng assistance to nationals fund.

Sa bilang na ito, pito dito ay sweeper or cross-country flights na pinagsama sa 63 flights na mula sa KSA, UAE, Qatar, Kuwait at Lebanon.

Sa huling tala ayon sa DFA umabot na sa 421,676 ang napauwi na ng DFA na mga OFW.

Sa bilang na ito 316,069 ay land-based, habang ang 105,607 ay sea-based.

Bilang pagsusunod sa domestic health at safety protocols, ang lahat ng mga pasahero ay nire-require ng negative result ng  RT-PCR COVID-19 test at least forty-eight (48) hours bago ang kanilang pag-alis  mula UAE.

Pagdating din sa bansa ng repatriates sasailalim din ang mga ito sa quarantine at panibagong RT-PCR Testing for COVID-19.

Tiniyak din ng DFA ang patuloy na repatriation efforts nito sa iba’t ibang pamamaraan gaya ng pag endorso  ng Bayanihan Flights, at  funding individual o  group repatriations.

Ang DFA ay nananatiling isang mahalagang bahagi ng One-Country Team Approach (OCTA) ng gobyerno sa pagtugon sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa.

SMNI NEWS