Panibagong batch ng halos 800,000 doses ng Pfizer vaccines, dumating na sa bansa

Panibagong batch ng halos 800,000 doses ng Pfizer vaccines, dumating na sa bansa

DUMATING na sa bansa ang panibagong batch ng halos 800,000 doses ng Pfizer vaccines.

Nasa kabuaang 797, 940 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines ang dumating na sa bansa kagabi na binili ng Pilipinas.

Ang panibagong batch ng bakuna ay sakay ng Air Hongkong Flight lD 456 na lumapag sa Terminal-3 ng Ninoy Aquino International Airport pasado 9:00 kagabi.

‘’Alam nyo nakakatuwa dahil kasi araw-araw maraming vaccine..1.4 million per day,’’ayon kay Sec. Carlito Galvez Jr.

Dagdag din ni Galvez, prayoridad sa mga bakunang dumating kagabi ay ibabahagi sa mga major city sa bansa, kabilang din ang Region 3, Region 4, Regon 6 at sa mga lugar sa Region 10.

Tiniyak din ni Galvez na paglalaanan sa mga bakunang Pfizer at Moderna na dumating at darating pa ang pagbabakuna sa mga edad na 12-17 yrs old.

‘’Yes nakalagay na tayo ng buffer..so yun ang gagamitin natin yung mga darating na bago,’’ayon kay Galvez.

Samantala, ngayong araw naman inaasahan ang pagdating ng nasa kabuaang 661,100 doses ng AstraZeneca vaccine na darating pasado 9:00 ng umaga sa NAIA Terminal-1 at higit dalawang milyong doses ng Moderna.

SMNI NEWS