NILINAW ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pinoy crew na kasama sa panibagong inatake ng Houthi rebels na British oil tanker bandang Gulf of Aden.
Sa ulat, ang British oil tanker na Marlin Luanda ay tinamaan ng anti-ship missile nitong Enero 26, 2024 habang naglalayag sa Red Sea.
Nagliyab naman ang oil tanker dahil dito.
Samantala, matagal nang iniiwasan ng ilang shipping companies ang pagdaan sa Red Sea simula nang mag-umpisa ang pangha-hijack at pang-aatake ng Houthi rebels sa mga lumalayag doon.