Panibagong dash line na inilabas ng China, pinalagan ng DOJ

Panibagong dash line na inilabas ng China, pinalagan ng DOJ

BINATIKOS at tinawag ni Justice Secretary Crispin Remulla na ilegal ang inilabas ng China na 10-dash line sa West Philippine Sea (WPS) na umaangkin sa teritoryo ng Pilipinas.

Iginiit ng kalihim na walang basehan ang bagong dokumentong inilabas ng China dahil hindi naman ito ang tunay na mapa.

Bukod sa diplomatic protest ay maaari aniya kwestiyunin sa United Nations Convention of The Law of the Sea (UNCLOS) ang ginawang ito ng China.

Sa nasabing bagong dash line ay mas pinalawig pa ng China ang pang-aangkin nila sa WPS, bagay na pinalagan ng iba pang mga bansa tulad ng Pilipinas.

Nauna diyan ay naghain na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China matapos ilabas ang 10-dash line na nagpapalawak sa inaangkin nilang teritoryo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble