Panibagong galaw sa presyo ng produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw

Panibagong galaw sa presyo ng produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw

EPEKTIBO na ngayong araw ang panibangong galaw sa presyo ng produktong petrolyo.

Nasa P0.40 ang itinaas sa kada litro ng gasolina simula ngayong araw, Disyembre 10, 2024.

Nasa P0.50 naman ang ibinaba sa kada litro ng diesel habang nasa P0.75 ang rollback sa kada litro ng kerosene.

Epektibo alas sais ng umaga ang panibagong paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo maliban sa Cleanfuel na naunang ipinatupad 12:01 ng hatinggabi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble