NAGBABALA sa mga Pilipino ang Consulate General ng Pilipinas sa Dubai laban sa panibagong illegal recruitment scheme ngayon.
Sa isang public advisory, sinabi ng konsulado na ang naturang modus ay nang-aakit sa mga Pilipino sa Dubai at Northern Emirates na tumanggap ng trabaho sa mga bansang may umiiral na deployment ban mula sa pamahalaan ng Pilipinas.
Kadalasang ipinapakita ang mga alok na ito bilang lehitimong oportunidad sa trabaho ngunit isinasagawa gamit ang tourist visa.
Upang matiyak ang pagiging lehitimo ng mga alok na trabaho ay pinapayuhan ang mga Pilipino na suriin ang opisyal na listahan ng mga lisensiyadong recruitment agencies na makikita sa website ng Department of Migrant Workers (DMW).