Panibagong investment para sa Pilipinas, iuuwi ni PBBM, mula sa Thailand

Panibagong investment para sa Pilipinas, iuuwi ni PBBM, mula sa Thailand

ISANG panibagong investment ang nakatakdang iuwi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. mula sa Thailand, sa gitna ng pagdalo ng Pilipinas sa APEC Economic Leaders’ Meeting sa Bangkok.

Kasunod ito ng pakikipagpulong ng Pangulo sa mga kinatawan ng CG Group, na isa sa pinakamalaking kumpanya sa Thailand na may kasalukuyang investment deal na 2 billion dollars sa Pilipinas.

Ayon sa tanggapan ng Pangulo, bukod sa kasalukuyang trabaho at oportunidad na ipinagkakaloob ng CG Group sa bansa, balak pa nitong magdadag ng panibagong investment para sa mga Pilipino.

Malaking bagay aniya ito lalo na pumapasok na ang bansa sa post-pandemic recovery mula sa halos 3 taong pananalasa ng COVID-19 sa mundo.

Ang Charoen Pokphand Foods Philippines Corporation ay isa pinakamalaking aquaculture industry sa Pilipinas, kung kayat kinikilala ito ng bansa dahil sa ambag nito sa trabaho ng mga Pilipino.

Naniniwala si Pangulong Marcos na malaki ang potensiyal ng aquaculture sa Pilipinas na hindi pa nagagawa sa ngayon.

 

Follow SMNI News on Twitter