Panibagong kaso ng COVID-19, mas mababa ng 35% ngayong linggo

Panibagong kaso ng COVID-19, mas mababa ng 35% ngayong linggo

NAKAPAGTALA ng 1,891 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa mula Enero 16-22.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 270.

Ayon sa Department of Health (DOH), mas mababa ng 35% ang bagong COVID-19 cases ngayong linggo kung ikukumpara sa mga kaso noong Enero 9-15.

Sa mga bagong kaso, 4 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 104 na pumanaw kung saan 7 ay naganap noong Enero 9-22.

Follow SMNI NEWS in Twitter