ISASAGAWA na sa Hunyo 11 ngayong taon ang premiere ng Korean fantasy drama na My First Night with the Male Lead.
Bida rito ang singer-actor/actress na sina Seohyun ng Girls’ Generation at Taecyeon ng 2PM.
Sentro ng kuwento ang isang college student na bigla na lamang napadpad sa katawan ng isang minor background character sa loob ng isang romance novel.
Matapos ang isang hindi inaasahang encounter kasama ang isang male lead ng naturang romance novel, bigla na lang magugulo ang kapalaran ng college student.