IPATUTUPAD na simula ngayong araw, Pebrero 5, 2025 ang panibagong maximum suggested retail price (MSRP) na P55 bawat kilo para sa mga imported na bigas.
Mula ito sa dating P58 bawat kilo na MSRP para sa 5 percent broken na imported na bigas.
Sanhi ng panibagong MSRP ang pagmura ng bentahan ng bigas sa pandaigdigang merkado.
Sa pahayag ng Department of Agriculture (DA), aasahan na sa Pebrero 15 ay ibababa pa ang price cap sa P52 at P49 sa buwan ng Marso.
Follow SMNI News on Rumble