ASAHAN na ang panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa unang bahagi ng Pebrero, ayon sa Department of Energy (DOE).
Ayon kay Assistant Director Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau, inaasahang tataas ang presyo ng kada litro ng gasolina mula ₱0.40 hanggang ₱0.70.
Habang bababa naman ang presyo ng diesel mula ₱1.30 hanggang ₱1.50 kada litro at mula ₱0.85 hanggang ₱1.00 ang kada litro ng kerosene.
Ipinunto ni Romero na ang mga pangunahing dahilan ng paggalaw ng presyo ay ang pagtaas ng oil inventory sa U.S., mga bantang taripa ni U.S. President Donald Trump laban sa Mexico at Canada, at ang pagdiriwang ng Chinese New Year.