Panibagong proyekto sa Nabas Wind Farm, target matapos sa susunod na taon

Panibagong proyekto sa Nabas Wind Farm, target matapos sa susunod na taon

TINATARGET ng kompanyang Petrowind Energy Inc. na matapos na nila ang kanilang ginagawang wind turbines sa 2025.

Ito’y para tuluyan nang mapalakas ang kapasidad ng kanilang Nabas Wind Farm sa Aklan.

Kung matatapos ang ginagawang wind turbine ay magiging 49.2 megawatts na ang kapasidad ng wind farm nila mula sa orihinal na 36 megawatts.

Ang Nabas Wind Farm ay nagsimulang magsuplay ng kuryente sa Visayas noong taong 2015.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter