ASAHAN ang panibagong taas-presyo sa ilang produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa pagtataya, posibleng mula P1.50 hanggang P1.70 ang itataas sa kada litro ng diesel at kerosene.
Habang mula P0.90 hanggang P1.20 naman ang posibleng dagdag-presyo sa kada litro ng gasoline.
Nakatakdang maglalabas naman ngayong araw ng Lunes ng pinal na price adjustment ang mga kompanya ng langis.
Magiging epektibo ang nasabing taas presyo bukas, araw ng Martes, Abril 9.