Paninigarilyo at vaping, nagtataas ng panganib na mamatay mula sa COVID-19

Paninigarilyo at vaping, nagtataas ng panganib na mamatay mula sa COVID-19

MAS mataas ang tsansa na magkaroon ng isang malubhang kaso ng COVID-19 ang mga taong patuloy na naninigarilyo at nag-vavape at maaaring magkaroon ng mas malaking posibilidad ng pagkamatay ayon sa isang bagong pag-aaral sa Amerika.

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala ng siyentipikong journal na Plos One, inihambing ng team ang data mula sa 4 na libong katao sa edad na 18 na mga naospital dahil sa COVID-19.

Ang data na ito ay nagmula sa American Heart Association COVID-19 Cardiovascular Disease Registry.

Sinasabi ng pag-aaral na “ang paninigarilyo ay nauugnay sa mas mataas na panganib ng mga kaganapan sa cardiovascular, kalubhaan ng sakit, at pagkamatay sa mga pasyente na naospital para sa mga impeksyon sa SARS-coV-2.”

Ang mga pasyenteng nagpositibo ay napag-alamang naninigarilyo at gumamit ng mga tradisyonal na sigarilyo o e-cigarette.

Gayunpaman, walang paglilinaw kung mayroong pagkakaiba sa pagitan ng mga naninigarilyo at mga gumagamit lang ng vape.

Ang mga taong naninigarilyo na may edad na 18-59 ay mas namamatay mula sa sakit kaysa sa mga taong edad-60 pataas, sa kabila ng mga panganib sa COVID-19 na nakakaapekto sa mga mas matatanda.

Binanggit din ng pag-aaral na ang mga white smokers o mga Caucasians na naninigarilyo ay may mas mataas na panganib na mamatay mula sa sakit kaysa sa mga pasyenteng Black at Hispanic, ngunit ang pasyenteng Hispanic ay nasa mas malaking pagkakataon na mailagay sa ventilator.

Binanggit din ng pag-aaral na malaki ang panganib ng kamatayan sa mga naninigarilyo at may mga sakit tulad ng labis na katabaan, hypertension, diabetes, at sakit sa bato.

Follow SMNI NEWS in Twitter