Paniniket ng MMDA sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth, sisimulan ngayong araw

Paniniket ng MMDA sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth, sisimulan ngayong araw

SISIMULAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng exclusive motorcycle lane at iba pang dedicated lanes sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, ngayong araw.

Ito ay sa kahabaan ng Commonwealth Avenue mula Elliptical Road hanggang Doña Carmen.

Ang 1st lane mula sa sidewalk ay exclusive para sa nagbibisikleta, 2nd Lane ay exclusive para sa pampublikong sasakyan, habang ang 3rd Lane naman ay exclusive para sa mga nagmomotorsiklo at 4th hanggang 9th Lane ay para sa iba pang sasakyan.

Pagmumultahin ang mga drayber na lalabag dito, nasa P1,200 para Public Utility Vehicle driver at P500 naman sa mga pampubliko at pribadong motorista.

Una nang ipinalaam ng MMDA na ang paglalagay ng lane designations sa Commonwealth Avenue ay para mabawasan ang bilang ng mga aksidente.

Kabilang ang motorcycle-related road crash incidents at matiyak na maayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lansangan.

Katuwang ng MMDA sa pagpapatupad ng exclusive motorcycle lane at iba pang dedicated lanes sa Commonwealth Avenue ang lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Halos 100 traffic enforcers ang ipapakalat sa Commonwealth Avenue para maniket sa mga motoristang lalagpas sa motorcycle lane.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter